Face the truth about LOVE.
Thursday, September 24, 2009 | 10:01 AM |
0 letters
Got it from Rox. :)) I hope it's ok.
It gives you time to realize if you really love him/her.
. . . para sa mga taong nanliligaw, nagbabalak manligaw, nililigawan, naliligaw, nag-iintay maligawan at nagbabalak lumagay sa magulo . . . .
(regardless of age ???!!!)
. . . ang love ay hindi minamadali . . . hindi pinipilit . . .
at lalong hindi kina-career . . . (aray po sa matamaan!!!. . .)
unang-una . . .
PAANO MO BA NASABING MAHAL MO NA SIYA ??? . . .
dahil ba natutuwa ka sa kanya ??? . . .
o kaya naman naaaliw ka ??? . . .
na-swee-sweetan ka ba ng sobra sa kanya ??? . . .
kinikilig ka ba ‘pag nakikita mo siya ??? . . .
at nahi-high kapag naririnig mo na ang boses niya ??? . . .
eh teka muna . . .
baka naman infatuated ka lang . . .
o kaya naman kagaya nga ng sagot mo . . .
“BAKA naaaliw ka lang” . . .
dahil kakaiba siya . . .
may ’spark’ na hindi mo maintindihan . . .
tsk !!!… tsk !!!… tsk !!!…
ang saklap nyan !!! . . .
pangalawa . . .
GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA ??? . . .
madali ba siyang mapikon ??? . . .
‘pano ba siya ma-bad trip ??? . . .
madali bang mahalata na may topak siya ??? . . .
ano bang suot niya ‘pag nasa bahay siya ??? . . .
shorts ba o pantalon ??? . . .
nakasando ba siya o naka-t-shirt lang ??? . . .
matagal ba siyang maligo ??? . . .
kumakain ba siya ng vegetables ??? . . .
tamad ba siya ??? . . .
mas gusto ba niyang manood ng TV kaysa magbasa ng libro ??? . . .
nagpe-play station ba siya ??? . . .
tatlo ba ang pamangkin niyang lalaki ??? . . .
makukulit ba yung mga kamag-anak niya ??? . . .
green ba ang kulay ng gate ng bahay nila ??? . . .
sa village ba siya nakatira ??? . . .
may sakayan ba ng jeep na malapit sa kanila ??? . . .
nagsisimba ba siya linggo-linggo ??? . . .
kasama ba ‘yung buong pamilya niya ??? . . .
at nagdadasal ba siya bago matulog ??? . . .
in short . . .
alam mo na nga ba ??? . . .
ang mga bagay-bagay . . .
ang mga simpleng bagay tungkol sa kanya . . .
na nag-dedetermine ng sarili niya . . .
as in, kung sino ba talaga SIYA . . .
pangatlo…
KAYA MO BA SIYANG TANGGAPIN ??? . . .
as in TANGGAPIN ng buong-buo . . .
sa lahat ng trip niya sa buhay . . .
sa lahat ng katopakan niya . . .
sa lahat ng pag-iinarte at pag-dadrama niya . . .
sa lahat ng kasalanang nagawa, ginawa, at gagawin pa lang niya . . .
sa lahat ng naiisip niya . . .
sa lahat ng sasabihin niya . . .
sa kilos niya . . .
sa pananamit pa pala niya . . .
sa pagsasalita niya . . .
sa pananaw niya sa buhay . . .
sa pagtrato niya sa ibang tao . . .
sa lifestyle niya . . .
sa uri ng pamilyang meron siya . . .
sa uri ng kaibigang kasa-kasama niya . . .
sa style niya pagdating sa love (?). . .
sa ka-sweetan niyang natural . . .
sa paglalambing niya . . .
sa tawa niyang pagkalakas-lakas . . .
sa manners niya . . .
sa bisyo niya, kung meron man . . .
sa mga pang-aasar niya sa ‘yo . . .
sa style niya pagdating sa pagsolve ng problema . . .
sa problemang maaari ka ring makakasama . . .
pang-apat . . .
KAYA MO BANG MAGISING AT MAGING TOTOO ??? . . .
kaya mo bang makita ‘yung sarili mo . . .
na kasama pa rin siya, ha ???. . .
sa isang sitwasyong ‘pag naisip mo, eh . . .
mapapaiyak ka na lang sa sakit . . .
nang dahil din sa kanya ??? . . .
kaya mo bang magmukhang tanga . . .
as in umiyak ng dahil sa kababawan . . .
ibuhos ang mga nararamdaman mo . . .
kahit na puro kababawan nga lang naman . . .
as in kahit sa harapan niya ??? . . .
kaya mo bang maging barubal ‘pag kasama mo siya ??? . . .
‘yung tipo bang wala ka ng pakialam . . .
mawala man ang manners mo . . .
na wala ka naman talaga . . .
in short . . .
KAYA MO BANG MAGING IKAW KAPAG KASAMA MO NA SIYA ??? . . .
‘yung tipong hindi ka nahihiyang ipakita kung sino ka talaga . . .
dahil alam mong . . .
HINDI MO LANG SIYA TANGGAP . . .
TANGGAP KA RIN NIYA . . .
BUONG-BUO RIN . . .
HOY, MGA TAO !!! . . .
tama na kasi ang tripping . . .
tama na ang pagmamadali . . .
oo, masarap ngang ma-involve sa isang tao . . .
pero ‘di ba mas masarap ‘yun . . .
LALO NA KUNG ALAM MONG TOTOO . . .
‘YUNG NARARAMDAMAN MO . . .
kaya dapat, hindi tayo nagpapabulag sa nararamdaman natin na . . .
akala nating LOVE na ito . . .
mag antay na lang tayo . . .
‘wag natin unahan . . .
for all we know, hindi pa pala siya ang para sa atin . . .
pero ‘pag nasagot mo lahat ng nasa taas . . .
ng lagapak na “OO” . . .
na naaayon sa iyong VERY honest na pangunawa . . .
galing sa puso at utak, mayroon ka nito ‘di ba ??? . . .
BAKA nga mahal mo na siya . . .
Aber ??? . . .
(an idealistic outlook… but look, after all, it still is a BIG MAYBE !!!…)
I think, I'm the one who's "naliligaw." XDDD
Really? How do you that you're in love with that person? :O
-Claudddd